Home NATIONWIDE Presyo ng tinapay, nanatili sa kabila ng pagtaas ng petrolyo

Presyo ng tinapay, nanatili sa kabila ng pagtaas ng petrolyo

180
0

MANILA, Philippines – Nanatili pa rin ang presyo ng tinapay sa mga bakery sa kabila ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo bunsod ng tumitinding krisis sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Chito Chavez, President ng Asosasyon ng panaderong Pilipino, bagamat may pagbabanta ng pagtaas ng presyo ng raw materials ay tradisyon na ng mga panadero na hindi agad itaas ang presyo ng produktong tinapay.

Aniya, hinihintay pa nila na mag-settle sa isang antas kung saan maayos ang kanilang costing para malaman kung hanggang saan ang presyo na dapat nilang gawin sa kanilang  mga produktong pandesal, loaf bread, at iba pa.

Aminado si Chavez na mahirap para sa kanila na magtaas ngayon at muling magtataas sa susunod na araw ang raw materials at magtataas naman ng presyo ng tinapay dahil magtatampo ang kanilang konsyumer.

“Saka ito ay tradisyun na ng mga panadero na hindi sumabay upang sa ganun ay maiwasan ang pagpanic ng taumbayan, na kung saan ang tinapay ang pangalawang napakahalagang pagkain sa hapag kainan ng bawat Pilipino,” ayon kay Chavez.

Para naman sa mga maliliit na bakery, sinabi ni Chavez na dapat unawain na lamang sila kung lumiit ang kanilang tinapay dahil hand to mouth ang kanilang operasyon.

Sa pangkalahatan naman aniya ay hindi sumabay sa pagtaas ng presyo ng ibat-ibang bilihin bagamat may mga gumalaw na at may pagbabanta nang pagtaaas ng presyo ng raw materials.

Nangangamba rin ang industriya ng tinapay na magkaroon ng pagbabago sa muling pagtaas ng LPG.

Umaasa rin ang samahan ng mga panadero na magiging normal pa rin ang presyo ng LPG gayundin ang harina at asukal.

“Ang mga ginagamit po nating produko sa paggawa ng tinapay ay lahat ay Imported. Tumaas ang dollar, alam naman natin. Paano sila maka pag import ng imported materials sa paggawa ng tinapay kung di gagalaw ang presyo nito,” aniya.

Dagdag pa ni Chavez, mas mahirap kung mawalan ng  raw materials na magagamit na sangkap sa paggawa ng tinapay.

Sa ngayon aniya, ang presyo ng pandesal ay bagallaro sa P2 Hanggang P5 kada piraso habang ang Pinoy Tasty o Basic Loaf ay P40 hanggang P50. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here