Home NATIONWIDE Paghahanda para sa BSKE sa Nob 2, ipinagpapatuloy ng Comelec

Paghahanda para sa BSKE sa Nob 2, ipinagpapatuloy ng Comelec

175
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na nagpapatuloy ang preparasyon para sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nov. 2.

Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na nakatanggap ito ng impormasyon tungkol sa umanong plano ng muling pagpapaliban ng BSKE.

Aniya, ito umano ay dahil sa kasalukuyang nararanasang krisis.

Ngunit hindi aniya titigil sa paghahanda ang Komisyon dahil lamang sa bali-balita.

Ang orihinal na iskedyul ng BSKE ay Disyembre 1, 2025 ngunit iniurong ito ng Nob. 2, 2026.

Sa ilalim ng Republic Act No.12232 , itinakda ang susunod na BSKE sa Nob. 2 unang Lunes ng buwan.

Nagtakda din ito ng apat na taong termino para sa BSKE.

Ang huling BSKE ay isinagawa noong Oct. 30, 2023. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here