Home NATIONWIDE Barko ng Navy, tinutukan ng radar ng China sa West Philippine Sea

Barko ng Navy, tinutukan ng radar ng China sa West Philippine Sea

205
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Naval Defense Command (NDC) ng Philippine Navy na tinutukan ng “fire control radar” (FCR) ng isang Chinese corvette ang BRP Miguel Malvar (FFG-6) sa West Philippine Sea noong Marso 7.

Ayon sa NDC, naganap ang insidente malapit sa Sabina Shoal, sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas, habang nagpapatrolya ang barko alinsunod sa international law. Ang Chinese PLA-Navy ship na may bow number 622 ay umano’y nag-target ng radar sa barkong Pilipino.

Tinawag ito ng NDC na isang “alarming and escalatory act” at bahagi ng pattern ng pamimilit na naglalagay sa panganib ng buhay at soberanya ng mga bansa sa baybayin.

Pabalik noon ang BRP Miguel Malvar sa Subic, Zambales matapos dumalo sa 3rd International Fleet Review at Multilateral Navy Exercise sa India. Habang nasa biyahe, natukoy nito ang radar emissions mula sa Chinese ship.

Dahil dito, nagbigay ng radio challenge ang barkong Pilipino at pinayuhan ang Chinese vessel na umalis upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

Wala nang sumunod na tensyon, ngunit sinundan ng Chinese corvette ang barko ng Pilipinas sa loob ng ilang oras bago tuluyang umalis. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here