Home METRO Philippine deer, muling namataan sa Marinduque

Philippine deer, muling namataan sa Marinduque

189
0

MARINDUQUE, Philippines – Muling namataan ang Philippine deer sa Marinduque Wildlife Sanctuary matapos ang ilang dekadang walang kumpirmadong sighting at akala’y lokal nang extinct.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at mga komunidad, nakuha ang mga larawan sa pamamagitan ng camera traps sa Barangay Malibago (Torrijos) at Barangay Makulapnit (Santa Cruz).

Noong 2025, ilang beses itong nakita sa sanctuary, at hindi bababa sa 10 usa ang naitala sa Makulapnit. Mayroon ding bakas na natagpuan sa Boac at kalapit na lugar.

Gayunman, nananatiling banta ang illegal hunting, poaching, at pag-atake ng mga asong-gubat. Noong Disyembre 2025, isang babaeng usa ang nakaligtas sa pag-atake ng mga aso sa Balagbag Range.

Ang species ay endemic sa Pilipinas at nakalista bilang “vulnerable.” Mabagal din ang pagdami nito dahil kadalasang isang anak lamang ang ipinapanganak.

Pinalalakas ngayon ng mga awtoridad ang proteksyon at kampanya laban sa wildlife violations sa ilalim ng batas. Layunin din ng isang pag-aaral mula sa University of the Philippines Los Baños na masuri ang populasyon nito para sa mas maayos na pangangalaga. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here