Home NATIONWIDE Polisiya ng gobyerno, itututok sa rural development – Pangilinan 

Polisiya ng gobyerno, itututok sa rural development – Pangilinan 

167
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na itututok ng Senado ang kabuluhang patakaran ng gobyerno patungo sa kaunlaran ng kanayunan o rural development bilang pagtugon sa seguridad sa pagkain.

Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan, chairman ng Senate committee on agriculture, food and agrarian reform, na kailangan tutukan ang rural development bilang pagpapahalaga sa hindi matatawarang kontribusyon ng sektor ng agrikulura sa pambansang Kaunlaran.

Kaya nangako ang mambabatas na tutulong upang lumikha ng pambansang patakaran at Polisiya upang matiyak ang food security, tulungan ang gulugod ng ekonomiya at paunlarin ang komunidad sa kanayunan.

Sa kanyang pagsasalita sa 140th founding anniversary ng Pampanga State Agricultural University nitong Huwebes, March 19, pinuri ng senador ang lahat ng nagsipatapos at estudyante ng agrikultura. pangisdaan, crop science, animal science, forestry, agroforestry, agronomy, horticulture, at related programs, na kumikilala sa papel na kanilang gagampanan sakaling maisabatas ang kambal na panukala nito sa Senado, ang panukalang  Agricultural and Fisheries Cooperatives Act and the Agriculture and Fisheries Extension Act—ay naipasa. 

“Magkakaroon ng bagong trabaho sa mga LGU, national agencies at sa private sector at sa mga sarili niyong enterprises dahil sa ating mga panukala na magiging batas sa darating na mga araw,” aniya. 

“Pagkatapos ng ilang taon, tataas na ang kanilang kita, mapapagtapos na ang kanilang mga anak, at maging maalwan ang buhay. Yan ang inyong kontribusyon sa nation building. This is what it means to practice agriculture as nation building,” dagdag ng senador. 

Ikinalungkot din ni Pangilinan ang kalagayan ng Pilipinas na naiiwan ng ating kapit-bahay na bansa sa pagpapaunlad ng agrikultura na karamihan sa kanilang manggagawa ay sinamay sa ating institusiyon tulad ng   University of the Philippines-Los Baños and the International Rice Research Institute. 

Ibinahagi din ng senador sa talumpati ang kanyang pakikipag-ugnayan sa San Simon farmers hinggil sa panukala na gagawing nasyunal ang   agricultural and fisheries extension service at paglikha ng Bureau of Agriculture and Fisheries Cooperatives sa ilalim ng Department of Agriculture. 

Palalakasin ng panukala ang  agricultural and fisheries cooperatives at ibabahagi ang   agriculture extension services hanggang sa municipal level. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here