Home HOME BANNER STORY PAL nagkansela ng ilang flights sa Doha, Dubai ‘gang Abril 30

PAL nagkansela ng ilang flights sa Doha, Dubai ‘gang Abril 30

121
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine Airlines (PAL) na pansamantalang ititigil ang ilang flights papunta at pabalik ng Doha, Qatar at Dubai, UAE hanggang Abril 30 dahil sa patuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.

Kabilang sa kanselado ang mga flight na Manila-Dubai-Manila (PR 658/659), Manila-Doha (PR 684), at Doha-Manila (PR 685). May karagdagang kanselasyon din sa PR 685 sa Mayo 1.

Ayon sa PAL, ito ay pag-iingat dahil sa posibleng pagsasara ng airspace at aberya sa operasyon ng mga paliparan.

Maaaring magpa-rebook nang libre ang mga pasahero kapag nagbalik ang flights, o kaya ay gawing travel credits o humingi ng full refund.

Apektado rin ang cargo operations ng airline, at kasalukuyan silang naghahanap ng alternatibong ruta kasama ang kanilang logistics partners. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here