Home HOME BANNER STORY Ashfall alert sa bulkang Kanlaon, itinaas – NDRRMC

Ashfall alert sa bulkang Kanlaon, itinaas – NDRRMC

199
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa posibleng ashfall mula sa Kanlaon Volcano mula Biyernes ng gabi hanggang Sabado ng umaga, Marso 20 hanggang 21.

Naglabas ng emergency alert matapos maitala ang pagbuga ng abo alas-9:02 ng gabi at 11:23 ng gabi noong Biyernes, at muling naglabas ng abo alas-5:58 ng umaga noong Sabado. Umabot sa 500 metro ang taas ng abo at kumalat patimog-kanluran.

Samantala, nagpulong ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council sa Negros Island Region upang palakasin ang paghahanda sakaling tumaas ang alert level ng bulkan.

Ayon kay Donato Sermeno III, nakahanda na ang mga suplay tulad ng pagkain at iba pang pangangailangan, pati ang search and rescue at camp management teams kung sakaling itaas sa Alert Level 3 ang sitwasyon.

Mahigpit pa ring binabantayan ang bulkan matapos ang tatlong pagsabog nito sa loob lamang ng mahigit isang buwan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here