Home METRO Parak, 2 pa timbog sa P2M tobats

Parak, 2 pa timbog sa P2M tobats

137
0

MANILA, Philippines – Tatlong high-value drug suspects, kabilang ang isang police corporal, ang naaresto ng mga awtoridad sa Bicol habang nakumpiska ang mahigit P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa magkahiwalay na operasyon sa Camarines Sur nitong Biyernes.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 5 Director Brig. Gen. Erosito Miranda, nahuli ang police corporal sa Baao sa bisa ng search warrant matapos matagpuang may hawak na ilegal na droga.

Nakatalaga siya sa Personnel Holding and Accounting Section ng Philippine National Police–Highway Patrol Group at residente ng nasabing bayan.

Narekober mula sa kanya ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 16.8 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P114,240.

Sa hiwalay na buy-bust operation sa Minalabac, naaresto rin ang dalawang suspek na kinilalang sina alias Mar, 26, mula Pasig City, at alias Louie, 27, mula Taytay, Rizal. Nakuha sa kanila ang 300 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P2.04 milyon.

Binigyang-diin ni Miranda na walang sinuman ang higit sa batas, kabilang ang mga miyembro ng pulisya.

“Operations against illegal drugs are continuous and uncompromising. No one is above the law. Any PNP personnel who violates the law, regardless of rank, will be held accountable. PNP-Bicol will not allow rogue elements to tarnish the integrity of the force. Those who betray public trust will face justice – without exception,” aniya.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Minalabac Municipal Police ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya, habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon pa kay Miranda, ipinapakita ng operasyon ang intelligence-driven approach ng PNP laban sa mga high-value target at repeat offenders.

“This arrest sends a clear message: no one involved in the drug trade, regardless of status, is beyond the reach of the law. We will continue to hold accountable those who threaten the safety of our communities,” dagdag niya. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here