Home NATIONWIDE Korean language training center sa Pampanga, kinandado sa pag-aalok ng iligal na...

Korean language training center sa Pampanga, kinandado sa pag-aalok ng iligal na trabaho

131
0

MANILA, Philippines – Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang Korean language training center sa Mabalacat City, Pampanga matapos umano itong mag-alok ng ilegal na trabaho sa South Korea.

Ayon sa DMW, nangako ang naturang center ng employment opportunities sa ilalim ng employment permit system at student pathway kapalit ng malaking halaga mula sa mga aplikante, kahit wala itong lisensya para mag-operate. Isinagawa ang pagsasara ng establisimyento noong Marso 12.

Nagbabala naman ang DMW sa publiko na mag-ingat sa mga training center na nag-aalok ng trabaho sa ibang bansa upang maiwasan ang ilegal na recruitment. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here