Home NATIONWIDE Abogado ng “Maleta Boys,” nagpiyansa ng P30,000 sa kasong libel

Abogado ng “Maleta Boys,” nagpiyansa ng P30,000 sa kasong libel

1
0

MANILA, Philippines – Nagpiyansa ng P30,000 si Levito Baligod, abogado ng tinaguriang “Maleta boys,” noong Biyernes kaugnay ng kasong libel na isinampa ni Manila 6th District Rep. Benny Abante.

Noong Hunyo, nagsampa si Abante ng kaso laban kay Baligod at 18 dating bodyguard ni dating Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy “Zaldy” Co dahil sa paratang na tumanggap umano si Abante ng mga maleta na puno ng pera noong 19th Congress. Mariin namang itinanggi ni Abante ang kanilang salaysay.

Nagtungo si Baligod sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 184 upang magpiyansa at makalaya habang dinidinig ang kaso.

Noong Huwebes, naglabas ng warrant of arrest laban sa kanya si Presiding Judge Czarina Encarnacion Samonte-Villanueva. Gayunman, iniutos ng korte na bawiin at isantabi ang arrest warrant matapos siyang kusang humarap sa korte at magpiyansa.

Nagpasalamat si Baligod sa mabilis na pag-isyu ng release order.

“In just two hours, the Release Order was issued!” pahayag niya sa Facebook. “No lunch break!”

Itinakda ni Judge Villanueva sa Nobyembre 4 ang arraignment at pretrial conference ni Baligod. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here