Home NATIONWIDE Mga ambassador ng Pinas, pinaghahanap ng suplay ng langis

Mga ambassador ng Pinas, pinaghahanap ng suplay ng langis

162
0

MANILA, Philippines – Inatasan ng pamahalaan ang mga ambassador ng Pilipinas na maghanap ng alternatibong mapagkukunan ng langis sa gitna ng kakulangan sa suplay at patuloy na pagtaas ng presyo bunsod ng sigalot sa Middle East.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Ma. Theresa Lazaro, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makipag-ugnayan ang mga diplomat sa piling bansa upang matugunan ang pangangailangan ng bansa sa langis.

“Kami ay naatasan na kausapin ng mga ambassadors namin in certain selected areas, or countries, para kung makakatulong sila sa ating oil needs,” aniya. “So yun na po ang ginagawa natin ngayon,” dagdag pa niya.

Inihayag din ni Lazaro na isa sa mga opsyong tinitingnan ng pamahalaan ay ang pag-import ng langis mula Russia, lalo na matapos alisin ng Estados Unidos ang mga sanction dito, habang patuloy namang nahaharangan ang suplay mula Middle East dahil sa sitwasyon sa Strait of Hormuz.

Gayunman, aminado ang DFA chief na nananatiling hindi tiyak ang magiging takbo ng krisis. “Hintayin na lang po natin. Hindi lang itong Southeast Asia, pero the whole world, naapektuhan,” aniya.

Binigyang-diin din niya ang epekto ng pagsasara ng Strait of Hormuz sa global supply. “Hanggang masarado ‘yang Strait of Hormuz na ‘yan at hindi nakakapasok ang mga tankers ay talaga hong tuyong tuyo sa oil needs ang buong mundo,” dagdag ni Lazaro. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here