Home NATIONWIDE Mangingisdang 5-araw nagpalutang-lutang sa dagat, nasagip ng PCG

Mangingisdang 5-araw nagpalutang-lutang sa dagat, nasagip ng PCG

140
0

MANILA, Philippines – Nasagip nang buhay ang isang mangingisdang taga-Zambales matapos magpalutang-lutang sa dagat sa loob ng limang araw, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) na nagsagawa ng search and rescue operations malapit sa Bajo de Masinloc.

Kinilala ng PCG ang biktima bilang 32-anyos na residente ng Barangay Wawanway, Subic, na naiulat na nawawala noong Pebrero 15 matapos hindi makabalik ang kanyang service boat na “Bebelot,” na bahagi ng fishing boat na “Gabriel Geruz 6.” Natagpuan siya noong Marso 20 sa isinagawang maritime patrol sa nasabing lugar.

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Noemi Cayabyab, narekober ang mangingisda matapos matunton ang kanyang huling lokasyon sa koordinasyon sa BRP Cape San Agustin.

“Upon arrival at the reported location, PCG conducted search operations and eventually spotted the missing boat approximately 78.98 nautical miles west off Capon Grande, Zambales,” aniya.

Ang Capon Grande ay nasa humigit-kumulang 134 nautical miles mula sa Bajo de Masinloc, isang kilalang tradisyunal na pangisdaan ng mga Pilipino.

Agad na binigyan ng medikal na atensyon ang mangingisda sakay ng BRP Cabra, at isinakay rin ang kanyang bangka. Kasalukuyan nang pabalik ang naturang barko sa Subic, Zambales para sa maayos na turnover ng nasagip na mangingisda. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here