Home HOME BANNER STORY Suplay ng pagkain sapat, pero sirit-presyo nakaumang sa mahal ng langis –...

Suplay ng pagkain sapat, pero sirit-presyo nakaumang sa mahal ng langis – DA chief

147
0

MANILA, Philippines – Maaaring bahagyang tumaas ang presyo ng pagkain sa bansa sa kabila ng sapat na suplay, dulot ng pagtaas ng gastos sa transportasyon at freight na kaugnay ng krisis sa Middle East, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nananatiling stable ang suplay ng mga pangunahing pagkain ngunit posibleng magkaroon ng kaunting paggalaw sa presyo dahil sa pagmahal ng diesel, na pangunahing ginagamit sa transportasyon ng mga produkto.

“In general, prices should be stable although there might be some slight increases due to higher freight and transport costs,” aniya.

Iginiit din niya na walang kakulangan sa suplay ng pagkain at inaasahang sapat ito hanggang Hunyo o Hulyo.

“Definitely, there is no issue on supply. I can safely say that through June, even July, there is no issue on supply of almost everything,” dagdag pa niya.

Batay sa datos, nananatiling matatag ang imbentaryo ng bigas na umabot sa 2.11 milyong metriko tonelada, habang sapat din ang suplay ng gulay, karne, mais, asukal, at sibuyas dahil sa kasalukuyang panahon ng anihan.

Sa gitna nito, patuloy ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga mangingisda upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis.

Gayunman, nanawagan ang ilang eksperto ng pangmatagalang solusyon tulad ng pagrerepaso sa oil deregulation law at mas seryosong pagpapatupad ng Renewable Energy Act upang mabawasan ang pagdepende ng bansa sa imported na fossil fuel. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here