Home ENTERTAINMENT Robi, excited nang maging dadi, nag-flex ng sonogram!

Robi, excited nang maging dadi, nag-flex ng sonogram!

147
0

Manila, Philippines — Ilang buwan na lang, magiging isa nang ganap na ama si Robi Domingo—kaya ganoon na lang ka-excited ang TV host.

Sa Instagram, ibinahagi ni Robi ang sonogram ng baby na may caption na: “Hi, we’ll see you in a few months… so excited to meet you!”

Bumaha ng congratulatory messages mula sa celebrity friends ang comment section.

Looking back, January 2024 noong ikasal sila ni Maiqui Pineda.

Sa parehong buwan din inanunsiyo ng mag-asawa na magiging first-time parents sila.

Nauna na kasi ang kanilang “babymoon” during their Boracay vacay.

Earlier, inamin ni Maiqui na na-diagnose siya na may dermatomyositis—isang bihirang autoimmune disease na nagdudulot ng panghihina ng muscles, pamamaga, at rashes sa balat.

December 2024 naman nang masayang ibinalita ni Maiqui na siya’y nasa clinical remission—kung saan hindi na raw niya nararamdaman ang sintomas ng kanyang karamdaman. (Ronnie Carrasco III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here