Home ENTERTAINMENT Claudine, inalala ang birthday ni Rico, inokray!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Claudine, inalala ang birthday ni Rico, inokray!March 22, 2026 12:071470 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines — If Rico Yan were alive today, he would have turned 51.Hindi nga nakaligtas ang kaarawan ng yumaong aktor sa dating nobya nitong si Claudine Barretto.Ginunita ng aktres ang birthday ni Rico, na may handa pang pagkain.Pero hindi ito nagustuhan ng ilang netizens na nagsasabing OA na raw ang drama ni Claudine—for the sake of content!Nag-upload kasi ng video ang Optimum Star sa Facebook.Post ng aktres: “Hello, everybody. It’s March 14 and it’s the 51st birthday of Rico Yan!”Claudine took to Facebook to thank the resto that brought food to Antipolo para sa naturang okasyon.Tamang-tama raw at may kakainin sila sa set habang nagti-taping.Sa post ng isang netizen na “Auntie Selina” sa X, binarag nito si Claudine—ang aktres na raw ba ang patron saint ng mga exes?Ilan sa mga komento:“Patron saint of KSP, sure na!”“This is insane. She should get help. Did she ever think of her kids’ feelings?”“Kawawa naman si Rico Yan… di pinatatahimik nito. I’m sure, pamilya at kaibigan ni Rico Yan, nakataas ang kilay!”“KSP. Kung totoong sincere siya, as what she depicts she is, walang camera, walang posts, at walang clout.”Sa kabuuan, halos walang natuwa o na-touch sa paggunita ni Claudine—bagkus kinukuwestyon pa ang kanyang mental well-being.Big deal ba ’yon? (Ronnie Carrasco III)