Home METRO Suspek sa pagpatay sa radio announcer sa NegOcc, pinaghahahanap ng pulisya

Suspek sa pagpatay sa radio announcer sa NegOcc, pinaghahahanap ng pulisya

153
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Hinahabol ng Police Regional Office-Negros Island Region (PRO-NIR) ang gunman na pumatay kay Julio Calo, 49, isang bagong radio block timer sa Barangay Robles, La Castellana, Negros Occidental noong Biyernes, Marso 20.

Sinusuri ng pulisya ang motibo sa pagpatay. Ayon kay Police Major Romulo Gepilango V, La Castellana police chief, may kaso si Calo sa illegal drugs noong 2018, ngunit wala pang nakikitang koneksyon sa insidente.

Si Calo, na nagtatrabaho rin bilang job order sa Himamaylan City, ay nag-umpisa bilang block timer at unang nag-ere sa 88.3 DNN News FM noong Marso 14. Inilarawan ng PRO-NIR ang pagpatay bilang “calculated act.”

Ani Police Brig. Gen. Arnold Thomas Ibay, PRO-NIR director, “This is a deliberate act of violence, and we expect results.” Inutusan niya ang Negros Occidental PNP na gamitin ang lahat ng operational at investigative resources para mahuli ang suspek.

Nabuo ang Special Investigation Task Group (SITG) para sa focused at coordinated investigation, kabilang ang CCTV backtracking sa La Castellana, La Carlota, at karatig lugar para matunton ang sasakyan at ruta ng suspek.

Pinabulaanan ng PRO-NIR ang publiko na lahat ng available resources ay ginagamit upang mabilis na maresolba ang kaso at mapanagot ang responsable. Hinikayat nila ang may alam na impormasyon na makipag-ugnayan.

Samantala, mariing kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines-Negros Island Region (NUJP-NIR) ang brutal na pagpatay. Ayon kay NUJP-NIR chairman Chito Berjit Jr., “Worse, significant number of these cases remain unsolved, with perpetrators and masterminds escaping justice.”

Hinikayat ng NUJP-NIR ang mga awtoridad na magsagawa ng agarang, maayos, at patas na imbestigasyon upang ma-identify ang mga suspek at mapasagot sa batas. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here