MANILA, Philippines – Humihingi ng tulong ang pamilya at mga awtoridad upang mahanap ang 15-anyos na si Isabelle Sophia Tablate na nawawala na sa loob ng apat na araw sa Pasig City.
Huling nakausap ng kanyang ama ang dalagita noong Marso 18 habang pauwi mula sa paaralan sa Quezon City.







