Home METRO MISSING PERSON | 15-anyos na babae, 4 araw nang nawawala

MISSING PERSON | 15-anyos na babae, 4 araw nang nawawala

254
0

MANILA, Philippines – Humihingi ng tulong ang pamilya at mga awtoridad upang mahanap ang 15-anyos na si Isabelle Sophia Tablate na nawawala na sa loob ng apat na araw sa Pasig City.

Huling nakausap ng kanyang ama ang dalagita noong Marso 18 habang pauwi mula sa paaralan sa Quezon City.

Ayon sa ulat, huli siyang nakasama ng isang kaibigan na nakahiwalay niya sa LRT Santolan Station bandang alas-5 ng hapon.

Huling namataan si Sophia sa Santolan Bridge patungong SM Marikina, suot ang gray spaghetti top, dark jeans, at puting sneakers.

Patuloy ang imbestigasyon at backtracking ng mga awtoridad upang mahanap siya.

“Hiling po namin makauwi na, or at least sana po ligtas siya ngayon,” ayon sa kanyang ama.

Nanawagan ang mga awtoridad sa publiko na makipag-ugnayan agad sa pulisya o sa pamilya Tablate sa numerong 09618907402 kung may impormasyon tungkol sa kanyang kinaroroonan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here