MANILA, Philippines – Nanawagan ang Bahrain at Egypt ng internasyonal na kooperasyon upang maprotektahan ang Strait of Hormuz sa gitna ng tumitinding tensyon sa rehiyon.
Sa pagpupulong nina King Hamad bin Isa Al Khalifa at President Abdel Fattah al-Sisi, binigyang-diin nila na ang pagprotekta sa mga rutang pandagat ay responsibilidad ng buong mundo.
“Afirmed that protecting maritime routes is a shared international responsibility requiring cooperation from all in the region and the world,” ayon sa ulat.
Nanawagan din sila ng agarang pagtigil ng mga pag-atake at banta mula Iran laban sa mga bansang Gulf at Jordan, kabilang ang “immediate and unconditional halt of any provocation or threat to neighboring states.”
Iginiit din ng dalawang lider ang karapatan ng mga bansang ito na ipagtanggol ang kanilang sarili.
Ang panawagan ay kasunod ng paglala ng tensyon matapos ang US-Israeli strikes laban sa Iran noong Pebrero 28, na sinagot ng Iran sa pamamagitan ng drone at missile attacks sa Israel at mga bansang may presensya ng US.
Sa kasalukuyan, epektibong isinara ng Iran ang Strait of Hormuz sa karamihan ng mga barko—isang mahalagang ruta na dinaraanan ng humigit-kumulang 20 milyong bariles ng langis kada araw at halos 20 porsiyento ng global LNG trade. RNT