Home METRO 3 timbog sa sinalakay na drug den sa Pampanga

3 timbog sa sinalakay na drug den sa Pampanga

164
0

PAMPANGA – Tatlong suspek sa ilegal na droga ang naaresto, kabilang ang isang menor de edad na naisalba, matapos salakayin ang isang hinihinalang drug den sa Angeles City, Pampanga.

Nahuli ang mga suspek na sina alyas “Ruru,” 27, “Al,” at isang 17-anyos matapos maaktuhan na nagbebenta ng shabu sa undercover agent ng PDEA.

Narekober ang limang pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 7 gramo at nagkakahalaga ng mahigit ₱47,000, pati drug paraphernalia at marked money.

Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165, habang ang menor de edad ay nasa kustodiya ng mga awtoridad. Roel Tarayao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here