Home NATIONWIDE Malakanyang kay Rep. Tiangco: Madaming sinasabi, walang ebidensya

Malakanyang kay Rep. Tiangco: Madaming sinasabi, walang ebidensya

178
0

MANILA, Philippines – Tahasang pinabulaanan ng Malacañang ang mga pahayag ni Navotas Rep. Toby Tiangco hinggil sa umano’y vote buying kaugnay ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, at hinamon itong maglatag ng ebidensya.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang basehan ang mga alegasyon ni Tiangco at inakusahan pa ito ng pagpapakalat ng maling impormasyon laban sa mga institusyon ng pamahalaan.

“Itong si Congressman Toby Tiangco, andaming sinasabi, pero wala tayong nakikitang anumang ebidensiya,” ani Castro.

Hinamon din niya ang kongresista na patunayan ang kanyang mga pahayag, kabilang ang umano’y korapsyon na dapat aniyang imbestigahan.

“Kaya ang hamon natin mismo kay Congressman Toby Tiangco… dapat nagta-trabaho na siya para mapanagot ang mga di umanong kurap…,” dagdag niya.

Iminungkahi rin ni Castro na maaari nitong tanungin si dating Department of Public Works and Highways secretary at ngayo’y senador na si Mark Villar kaugnay ng isyu.

“Hanggat hindi ito nagagawa… maaaring nanlilinlang si… Congressman Tiangco,” aniya.

Binigyang-diin ni Castro na hindi dapat magpakalat ng alegasyon nang walang ebidensya at nanawagan na tigilan ang paninira laban sa administrasyon.

“Huwag po tayong magbigay ng fake news… kawawa ang mga Pilipino sa mga taong puro fake news ang inihahatid sa atin,” ani Castro. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here