MANILA, Philippines – Humihingi ng mahigit ₱500 milyong danyos si Palace Press Officer Claire Castro laban kay Batangas Rep. Leandro Leviste bilang counterclaim sa kasong libel na isinampa laban sa kanya.
Ayon kay Castro, ang halagang hinihingi ay para sa umano’y “sleepless nights at anxiety” na dulot ng reklamo, pati na rin sa sinasabing pagkasira ng kanyang integridad bilang opisyal ng Malacañang.
“Plus for ruining my integrity. Okay, P500 million damages, it is part of my compulsory counterclaim as I believe that because of twisting some facts in the complaint, and it ruined my integrity as Palace Press Officer,” aniya.
Nauna nang naghain si Leviste ng civil libel case laban kay Castro noong Enero sa Balayan Hall of Justice, kaugnay ng mga pahayag nito na umano’y ibinenta ng kongresista ang kanyang kompanya—na pinabulaanan ni Leviste.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Leviste na handa siyang sagutin ang hospital expenses ni Castro kaugnay ng sinasabing mental health impact ng kaso.
“Very good, he admits that he is causing me sleepless nights and anxiety. So, that will be part of the case,” ani Castro. Kris Jose