Home METRO Manila City Hall binulabog ng 2 pampasabog

Manila City Hall binulabog ng 2 pampasabog

150
0

MANILA, Philippines – Dalawang hinihinalang pampasabog ang nahukay ng mga construction worker sa loob ng Manila City Hall habang isinasagawa ang proyekto sa drainage system nitong Lunes ng hapon.

Habang naghuhukay sa quadrangle ng gusali, napansin ng mga manggagawa ang isang granada at agad itong ini-report sa City Security Force at kay SMART chief Lt. Col. Edward Samonte, na tumawag sa Explosive Ordnance Division ng MPD-SWAT.

Maingat na narekober ng EOD ang isang MK2 grenade o “atis” at inilagay sa timba na may tubig dahil posibleng aktibo pa ito. Samantala, isa pang pampasabog na naunang nahukay ay patuloy pang inaalam ang uri.

Pinaniniwalaang mula pa sa panahon ng World War II ang mga naturang bomba, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. Jocelyn Tabangcura Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here