Home METRO Mangingisda, 2 pa timbog pa sa P1.39M tobats

Mangingisda, 2 pa timbog pa sa P1.39M tobats

108
0

MANILA, Philippines – Tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Cebu, kabilang ang isang mangingisda na umano’y nagtutulak din ng droga at isang high-value individual.

Sa operasyon sa Barangay Consuelo, San Francisco, Camotes Islands, nadakip ang dalawang suspek na sina “Son,” 39, at “Jai,” 23, na nakuhanan ng 205 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱1.39 milyon, kasama ang drug paraphernalia.

Isinagawa ang operasyon ng Municipal Drug Enforcement Unit ng San Francisco Police sa ilalim ng Cebu Police Provincial Office.

Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga at kasalukuyang nakakulong habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso.

Sa hiwalay na operasyon sa Cebu City, isa pang high-value individual ang naaresto sa Barangay Calamba matapos makuhanan ng 60.15 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱409,020.

Narekober din ang buy-bust money at iba pang drug paraphernalia sa suspek.

Isinagawa ang operasyon sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency at sa presensya ng mga kinakailangang saksi. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here