Home NATIONWIDE Impeachment hearing vs VP Sara all set na

Impeachment hearing vs VP Sara all set na

151
0

MANILA, Philippines – Sisimulan na bukas, Marso 25, ang pormal na pagdinig sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte kung saan isa-isa nang bubusisin ang mga ebidensya at haharap ang mga testigo.

Alas-10:00 ng umaga sisimulan ng House Justice Committee sa pamumuni ni Batangas Rep Gerville Luistro ang pagdinig na gagawin sa People’s Center, sa House of Representatives.

Ayon kay Luistro, kasama rin sa unang reresolbahin ng komite ay ang nakabinbing mosyon na humihiling na magpalabas ang komite ng subpoena para sa mga dokumento kabilang ang para sa bank records gayundin ang apela na ilagay sa kustodiya ng Kamara ang isa sa testigo sa kaso na si Ramil Madriaga na sinasabing bagman ni Duterte.

Sinabi ni Luistro na ang proceeding ay mahigpit na “rules-based” kung saan tanging ang mga committee members lamang ang papayagan na mag-cross-examination sa mga testigo.

Ang ikatlong impeachment case ay inihain ni Rev. Fr. Joel Saballa at inendorso ni ML Party-list Rep. Leila de Lima habang ang ikaapat na reklamo na inihain ni Atty. Nathaniel Cabrera ay inendorso naman nina Manila Rep. Bienvenido Abante Jr at Deputy Speaker Francisco Paolo Ortega.

Matatandaan na ang una at pangalawang impeachment complaint ay ibinasura ng komite.

Kasama sa mga reklamo ay alegasyon ng maling paggamit ng confidential and intelligence funds, unexplained wealth, paglabag sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) requirements, bribery, at pagbabanta sa buhay nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Ang hearing dates ay itinakda ng komite sa Marso 25, Abril 14, Abril 22 at Abril 29. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here