Home NATIONWIDE P1.5M cash tinangay sa negosyante ng 4 suspek sa Cavite

P1.5M cash tinangay sa negosyante ng 4 suspek sa Cavite

169
0

MANILA, Philippines – Isang negosyante ang natangayan ng nasa P1.5 milyon cash ng apat na kalalakihan na magkaangkas sa dalawang motorsiklo sa Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi.

Ayon sa report ng pulisya, kinilala ang biktima na si alyas Jonathan, 31, negosyante at residente ng Phase 6, Limjap Street, Barangay Molino 5, ng nasabing lungsod.

Ang mga suspek ay apat na kakalakihan na magkakaangkas sa dalawang motorsiklo.

Sa ginawang imbestigasyon, bandang 11:40 ng gabi ay nagpapahangin ang biktima at mga kaibigan nito sa labas ng kanilang bahay nang dalawang motorsiklo na may magkaka-angkas ang tumigil sa kanilang harapan.

Ang isa sa kanila ay bumaba ng motorsiklo at tinutukan ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Kasunod nito, bumaba rin sa motorsiklo ang mga kasama nito at kinaladkad ang mga biktima at kaibigan papasok sa kanilang bahay saka tinangay ang bag nito na naglalaman ng P1.5 milyon na cash.

Matapos makuha ang pera, sumakay ang mga suspek sa kanilang motorsiklo patungo sa direksiyon ng Avenida Road.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon para sa pagkakakilalan ng mga suspek. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here