MANILA, Philippines – Bababa na ang airport fees tulad ng terminal at landing fees simula Abril 1, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Hanggang P200 kada pasahero ang maaaring matipid sa terminal fees, habang hanggang P5,000 ang matitipid sa bawat landing.
Noong nakaraang linggo, itinaas ng Civil Aeronautics Board ang fuel surcharge level mula Level 4 patungong Level 8 para sa Abril 1 hanggang 15.
Para sa mga domestic na pasahero, nangangahulugan ito ng fuel surcharges na nasa pagitan ng P253 at P787, depende sa distansya. Ito ay higit doble kumpara sa dating Level 4 surcharges na nasa pagitan ng P117 at P342.
Para naman sa mga international na pasahero, sa ilalim ng Level 8 bracket, maaaring magbayad ng karagdagang fees na nasa pagitan ng P835 at P6,209, depende sa distansya ng destinasyon.
Ito rin ay higit doble kumpara sa dating surcharges na nasa pagitan ng P386 at P2868. Jocelyn Tabangcura-Domenden