MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang isang inbound passenger sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.
Ito ay matapos siyang ireklamo sa umano’y in-flight harassment sakay ng eroplano mula Los Angeles, California.
Ayon sa imbestigasyon, inireklamo ang 63-anyos na suspek ng katabing pasahero matapos na paulit-ulit na inaalog nito ang paa at pagiging malikot.
Napag-alaman na nanonood pala ang suspek ng pornographic content sa kanyang cellphone na sa halip itago ay naging lantad pa ito sa mga pasahero kabilang ang isang menor de edad.
Nang komprontahin ay sinabi ng suspek na pribado lamang umano niyang ginagawa ang panonood.
Humingi naman ng paumanhin ang suspek ngunit nahaharap pa rin ito sa reklamong unjust vexation. RNT/JGC