MANILA, Philippines – Sinita ni Senador Loren Legarda si Department of Energy Secretary Sharon Garin dahil sa pagiging absnet sa pagdinig ng Senado sa isyu ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo sa bansa.
Sa pagdinig ng Senate Committee nitong Martes, Marso 24, binatikos ni Legarda ang DOE dahil sa hindi pagdalo ni Garin para sa mahalagang diskusyon.
“Ang secretary nga ninyo, wala dito eh. Kung anong pamumulitika ang ginagawa ng secretary niyo. I can’t think of anything more important than this hearing,” anang senador.
Nagbigay-diin ito ng kahalagahan ng pagdinig lalo na sa tumitinding isyu sa enerhiya sa bansa na saklaw ng kagawaran.
Sumang-ayon naman ang ilang mga netizen sa pahayag ni Legarda.
Dahil dito ay lumakas ang panawagan ng accountability sa hanay ng DOE. RNT/JGC