Home NATIONWIDE Vlogger na nagpakalat ng medical rekord ni PBBM humarap sa preliminary investigation

Vlogger na nagpakalat ng medical rekord ni PBBM humarap sa preliminary investigation

119
0

MANILA, Philippines – Personal na humarap ang vlogger na si Jack Argota sa isinagawang preliminary investigation kaugnay sa kinakaharap na reklamo na inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ).

Si Agorta ay sinampahan ng reklamong cyber-libel sa ilalim ng Section 4(c)(4) ng R.A. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 kaugnay ng Article 353 at Unlawful Publication ng Article 154 ng Revised Penal Code.

Kaugnay ito sa inihain laban sa kanya na reklamo kung saan sa social media ay nagpakalat umano ito ng pekeng medical record ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong” Marcos Jr.

Sa panayam kay Jack Argota, sinabi niyang naghain siya ng counter-affidavit sa prosekusyon ngunit hindi na ibinahagi ang nilalaman nito.

Ayaw na aniyang magbahagi ng karagdagang impormasyon sapagkat nag-iingat na hindi na raw makasuhan pa.

Pagtitiyak niya ay totoo naman ang lahat ng nakasaad sa salaysay.

Nanawagan naman si Agorta sa kanyang mga tagasuporta na patuloy pa ring magtiwala sa kanya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here