Home TOP STORIES Senador Villar nanguna sa pamimigay ng wheelchair sa mga kababaihan at PWDs...

Senador Villar nanguna sa pamimigay ng wheelchair sa mga kababaihan at PWDs ng Cabuyao

104
0
Pinangunahan ni Senador Mark Villar ang pamamahagi ng mga wheelchair at grocery packages sa Cabuyao, Laguna bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan. Sa kanyang wheelchair assistance program , muling tiniyak ng Senador ang kanyang patuloy na suporta sa mga batas at serbisyong magtataguyod sa karapatan at kalusugan ng bawat Pilipino.

Cabuyao, Laguna — Pinangunahan ni Senador Mark A. Villar ang pamamahagi ng mga wheelchair at grocery packages sa mga benepisyaryo sa Cabuyao, Laguna bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan.

“Sa pagdiriwang ng Women’s Month, nais nating tiyakin na walang maiiwan, lalo na ang ating mga kababaihan at PWDs na nangangailangan ng tulong medikal at suporta sa kanilang araw-araw na pamumuhay,” ani Villar.

Sa pamamagitan ng kanyang wheelchair assistance caravan, muling pinagtibay ng senador ang kanyang pangako na patuloy na susuporta sa mga programang nagtataguyod ng accessible na serbisyong pangkalusugan, inklusibong lipunan, at mas maayos na kalidad ng buhay para sa lahat ng kababaihan.

“Bilang pagkilala sa inyong mahalagang papel sa ating lipunan, patuloy kaming magsusulong ng mga batas na magtataguyod sa inyong mga karapatan at magbibigay sa inyo ng mas maraming oportunidad sa buhay,” dagdag pa niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here