
Cabuyao, Laguna — Pinangunahan ni Senador Mark A. Villar ang pamamahagi ng mga wheelchair at grocery packages sa mga benepisyaryo sa Cabuyao, Laguna bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan.
“Sa pagdiriwang ng Women’s Month, nais nating tiyakin na walang maiiwan, lalo na ang ating mga kababaihan at PWDs na nangangailangan ng tulong medikal at suporta sa kanilang araw-araw na pamumuhay,” ani Villar.






