Home NATIONWIDE Maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan mararanasan sa easterlies

Maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan mararanasan sa easterlies

143
0

Magdadala ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ang easterlies ngayong Miyerkules, ayon sa PAGASA.

Makakaranas ng maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Bicol Region, Quezon, Marinduque, Romblon, Oriental Mindoro, Northern Samar, at Eastern Samar. Nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dulot ng katamtaman hanggang sa minsang malakas na ulan.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan o thunderstorms dahil pa rin sa easterlies. May posibilidad pa rin ng pagbaha o landslide sa oras ng matitinding thunderstorm.

Samantala, magiging mahina hanggang katamtaman ang lakas ng hangin sa Central Luzon, Southern Luzon, Visayas, at Mindanao na magmumula sa silangan hanggang hilagang-silangan, habang banayad hanggang katamtaman ang alon sa karagatan.

Sa natitirang bahagi ng Luzon, mararanasan ang mahina hanggang katamtamang hangin na magmumula sa timog-silangan hanggang hilagang-silangan, na may banayad hanggang katamtamang kondisyon ng karagatan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here