Home HOME BANNER STORY Presyo ng diesel, posibleng bumaba; gasolina, tataas

Presyo ng diesel, posibleng bumaba; gasolina, tataas

1
0

MANILA, Philippines – Posibleng bumaba ang presyo ng diesel at kerosene sa susunod na linggo, habang inaasahan namang tataas ang presyo ng gasolina batay sa unang apat na araw ng kalakalan sa pandaigdigang merkado.

Tinatayang magbabawas ng P0.62 kada litro sa diesel at P1 kada litro sa kerosene, habang posibleng tumaas naman ng P2.90 kada litro ang gasolina.

Ayon kay Jetti Petroleum president Leo Bellas, maaaring bumaba ang presyo ng diesel dahil sa nagpapatuloy na diplomatikong pag-uusap ng United States at Iran.

Dumadami rin umano ang suplay ng diesel matapos luwagan ng South Korea, China at Russia ang mga restriksiyon sa pag-export ng langis.

Nakatulong din umano ang paglakas ng piso nitong Huwebes, matapos itong bumalik sa antas na P63 kada dolyar mula sa record low na P64.17 noong Martes. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here