Home HOME BANNER STORY Bibyaheng bus sa Holy Week, kakapusin sa taas-presyo ng gas – PITX

Bibyaheng bus sa Holy Week, kakapusin sa taas-presyo ng gas – PITX

134
0

MANILA, Philippines  — Nagbabala ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) nitong Martes na posibleng magkaroon ng kakulangan sa mga bus sa panahon ng Holy Week travel rush, matapos magbawas ng biyahe ang ilang operator dahil sa pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East.

Ayon kay PITX spokesperson Jason Salvador, nasa 5 porsyento na ng mga bus operator ang nagbawas ng biyahe, habang ang iba ay maaaring hindi na kayaning ipagpatuloy ang kanilang operasyon.

“With the price of petrol, there are already a few of our operators who have cut back on their trips. Others may not be able to sustain their trips at all,” ani Salvador.

Sinabi rin niya na binabantayan ng pamunuan ang posibilidad ng overloading kasabay ng pagdami ng pasahero.

“Our worry, come Holy Week, when this can no longer be sustained, is two things: one, either they will cut down or stop the service, our passengers will not be able to board. And two, they can still travel, but they might overload. So those are the things we need to watch out for here,” dagdag niya.

Ayon kay Salvador, tumataas na ang bilang ng mga commuter dahil sa paglipat ng ilan mula sa eroplano at pribadong sasakyan patungo sa bus bunsod ng mataas na pamasahe at gastos sa gasolina.

“This will result in a big surge in our passenger numbers,” aniya.

Tinatayang aabot sa 3 milyong pasahero ang dadagsa sa PITX ngayong Holy Week. Umaasa rin si Salvador na magpapatuloy ang fuel subsidies ng pamahalaan para sa mga operator upang maiwasan ang kakulangan sa biyahe sa kasagsagan ng pag-uwi ng mga biyahero. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here