Home HOME BANNER STORY Kumakalat na ‘malawakang brownout sa Pinas’, pinabulaanan ng DOE

Kumakalat na ‘malawakang brownout sa Pinas’, pinabulaanan ng DOE

387
0

MANILA, Philippines — Pinasinungalingan ng Department of Energy (DOE) ang mga ulat na posibleng magkaroon ng malawakang brownout sa bansa ngayong taon dulot ng mataas na presyo ng langis na kaugnay ng tensyon sa Middle East.

Ipinahayag ito ni DOE Undersecretary Felix “Wimpy” Fuentebella sa pagdinig ng Senado sa ilalim ng Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy (Protect) Ad Hoc committee, kasunod ng pangamba ni Sen. Paolo “Bam” Aquino IV sa kumakalat na balita online.

“No. It won’t be because of the oil crisis if we have a brownout. Maybe a wire would be hit, but it won’t be because of the oil crisis,” ani Fuentebella.

“As of now, no… But we will tell you and we will inform. We will be transparent if such an issue arises,” dagdag niya.

Ayon kay Fuentebella, may interagency approach ang National Oil and Gas Contingency Plan upang tugunan ang epekto ng sigalot sa Middle East.

Sa kabila nito, nanawagan ang ilang senador na ideklara ang state of national emergency upang mas epektibong matugunan ang krisis. Sinabi ni Aquino na makatutulong ito upang makontrol ang presyo ng mga pangunahing bilihin at matiyak ang operasyon ng mahahalagang serbisyo tulad ng pamilihan, ospital, at paaralan.

“We urgently need to declare a State of National Emergency and many of us feel the same way. The government needs broader emergency powers to immediately address this crisis,” ani Aquino.

Hiniling din niya ang pormal na negosasyon sa ASEAN Petroleum Security Agreement (APSA) upang mapalakas ang kooperasyon sa rehiyon sakaling magkaroon ng kakulangan sa suplay ng langis.

Samantala, iginiit ni Sen. Sherwin Gatchalian, chair ng Protect panel, ang pangangailangan ng isang komprehensibong national contingency plan na hindi lamang nakatuon sa langis at gas kundi pati sa food security at kapakanan ng overseas Filipino workers.

“…We need a cohesive Unified Coordinated National Contingency Plan…It seems to me that every hour, every minute, the situation in the Middle East changes. All the more, we have to come up with a contingency plan if this gets prolonged,” ani Gatchalian. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here