MANILA, Philippines – Target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na matapos bago ang tag-ulan ang delayed na slope protection project sa Barangay San Jose, Pasig City.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, pinapabilis ang konstruksyon upang maiwasan ang posibleng landslide na ikinababahala ng mga residente.
“We are speeding up the construction of slope protection here because we don’t want what we saw in other areas to happen, where the ground is getting softer until it collapses,” aniya.
Dagdag niya, naglalagay ng 18-meter sheet piles upang matugunan ang paglambot ng lupa.
Sinabi rin ni Dizon na kailangang mas maging koordinado ang DPWH at mga lokal na pamahalaan. Target nilang matapos ang proyekto pagsapit ng Hunyo bago tumaas ang tubig sa Pasig River. RNT/MND