MANILA, Philippines – Binatikos ng teachers’ group na Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang DepEd dahil sa umano’y kakulangan sa konsultasyon ng mga guro bago ilunsad ang three-term school calendar simula School Year 2026–2027.
Ayon kay ACT Chair Ruby Bernardo, “kung totoong malawak ang konsultasyon, bakit marami sa guro ang nagulat?” Aniya, hindi sapat ang orientation cascade para ituring na tunay na pakikilahok ng guro sa paggawa ng polisiya.
DepEd iginiit na ang pagbabago ay tugon sa pagkawala ng hanggang 53 araw ng klase noong SY 2023–2024 at layong bawasan ang workload ng guro sa pamamagitan ng streamlined grading at administrative scheduling.
Subalit, iginiit ng ACT na mas dapat pagtuunan ng reporma ang kakulangan sa guro, support staff, pasilidad, learning materials, at maayos na sahod, kaysa sa pagbabago ng kalendaryo.
Sa ilalim ng three-term system, magsisimula ang klase sa Hunyo, na may tatlong term na may instructional blocks at enrichment periods para sa remedial at grading activities. RNT/MND