Home METRO DAR nagkaloob ng kagamitang pansaka sa pagpapalakas ng produksyon ng gulay sa...

DAR nagkaloob ng kagamitang pansaka sa pagpapalakas ng produksyon ng gulay sa Catanduanes

165
0

MANILA, Philippines – Upang mapaunlad ang produksyon ng mga magsasaka at mapataas ang ani at kita ng mga nagtatanim ng gulay sa Pandan, Catanduanes nagkaloob ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng isang hand tractor at water pump unit sa Lumabao Aksyon sa Kasaganaan Asosasyon Inc. (LAKAS), isang DAR-assisted Agrarian Reform Beneficiary Organization (ARBO).

Ayon sa DAR ang dalawang (2) farm machineries and equipment (FME), na nagkakahalaga ng humigit-kumulang 140,000, ay makakatulong upang mas mapabilis ang paghahanda ng lupa at matiyak ang sapat na suplay ng tubig para sa mga pananim ng Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs)mga mahalagang salik upang mapataas ang produksyon ng gulay.

Ipinagkaloob ang mga kagamitan sa ilalim ng Sustainable Livelihood Support (SLS) component ng Climate-Resilient Farm Productivity Support (CRFPS) project na layong tulungan ang mga ARB na mapalakas ang kanilang kabuhayan habang tinutulungan silang makapagpatupad ng mga pamamaraang pansaka na mas handa sa epekto ng climate change.

Kasabay ng turnover ng mga kagamitan, sumailalim din ang mga miyembro ng asosasyon sa demo technical training tungkol sa tamang paggamit at pagpapanatili ng makinarya na pinangunahan nina Marvin Osorio, SLS Point Person, at Mark Lester Urbano, Development Facilitator. Layunin nitong matiyak na magagamit nang maayos at mapapakinabangan ng mga magsasaka ang mga kagamitang ipinagkaloob.

Kaugnay nito patuloy namang isinusulong ni DAR Secretary Conrado Estrella III ang mga programang magpapataas ng produksyon at kita ng mga ARB sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga farm support services at makabagong kagamitang pansaka upang makatulong sa pagharap sa mga hamon dulot ng pagbabago ng klima.

Ang CRFPS initiative, na ipinatutupad ng DAR Program Beneficiaries Development Division (PBDD), ay naglalayong palakasin ang kabuhayan ng mga magsasaka habang itinataguyod ang sustainable vegetable production, lalo na sa mga lugar na madalas na maapektuhan ng kalamidad at pabago-bagong panahon. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here