Home HOME BANNER STORY Special voters’ registration para sa mga PDL sa Bilibid, isasagawa ng Comelec...

Special voters’ registration para sa mga PDL sa Bilibid, isasagawa ng Comelec sa Marso 26-27

122
0

MANILA, Philippines – Magsasagawa ng espesyal na voter registration para sa persons deprived of liberty (PDLs) ang Commission on Elections (COMELEC) sa New Bilibid Prison (NBP), Muntinlupa City sa Marso 26 at 27.

Dahil dito, sinabi ng Bureau of Corrections (BuCor) na pansamantalang sinuspinde ang visitations sa Quadrants 3 at 4 ng Maximum-Security Camp upang masiguro ang maayos na daloy ng rehistrasyon. Muling sisimulang payagan ang bisita matapos ang dalawang araw na aktibidad.

Ang rehistrasyon ay para sa mga PDL na kwalipikadong bumoto, kabilang ang may kasong kasalukuyang nasa paglilitis, nakakulong nang mas mababa sa isang taon, o mga nahatulang kriminal ngunit may apela pa sa kaso.

Ayon sa BuCor, 4,125 PDLs ang kwalipikadong bumoto sa nakaraang eleksyon noong Mayo 12, 2025, kabilang ang:

–2,135 mula sa NBP sa Muntinlupa,

–924 sa Davao Prison and Penal Farm,

–421 sa Leyte Regional Prison,

–290 sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga del Sur,

–140 sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa, Palawan,

–123 sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong,

–92 sa CIW-Mindanao.

Ang rehistrasyon ay para sa mga barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na nakatakda ngayong Nobyembre. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here