Home METRO Sawa nahuli ng traysikel drayber sa Antipolo

Sawa nahuli ng traysikel drayber sa Antipolo

132
0
via Antipolo City Mayor Jun Ynares

RIZAL, Philippines – Nahuli at kaagad na isinurender ng isang tricycle driver ang isang reticulated python sa Antipolo City.

Pinuri ni Antipolo City Mayor Jun Ynares ang driver na kilala bilang Kuya Andres matapos nitong iligtas ang isang malaking sawa sa halip na patayin ito.

“Kahit malaki at may dalang panganib, salamat pa rin kay Kuya Andres na hindi niya naging first response na patayin ang naturang sawa kundi i-rescue at dalhin satin,” ani Ynares.

Ang sawa ay na-turn over na sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Provincial Environment and Natural Resources Office sa Taytay.

Pinayuhan din ni Ynares ang publiko na huwag saktan o patayin ang mga sawa o iba pang wildlife na makakasalubong sa kanilang paligid.

Sa halip, dapat tumawag sa City Veterinary Office (CVO) hotline 8689-4514 o pumunta sa dating San Isidro Barangay Hall sa kanto ng San Jose Street at Lorenzo Sumulong Memorial Circle para sa tamang rescue at handling. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here