Home NATIONWIDE DND, NATO nagpulong sa pagpapalakas ng defense cooperation

DND, NATO nagpulong sa pagpapalakas ng defense cooperation

111
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. ng mas malawak na ugnayan sa larangan ng depensa at militar sa kanyang pakikipagpulong sa isang mataas na opisyal ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).

Nakipagpulong si Teodoro kay Giuseppe Cavo Dragone sa sidelines ng Paris Defence and Strategy Forum 2026 na ginanap mula Marso 24 hanggang 26.

Ayon sa Department of National Defense (DND), binigyang-diin ni Teodoro ang pangangailangan ng mas pinalawak na kooperasyon ng mga bansa habang patuloy na nagbabago ang mga hamon sa global security at stability.

Ibinahagi rin niya na naghahanda ang Pilipinas para sa mas pinahusay na interoperability at palitan ng kaalaman sa European Union at mga bansang kasapi ng NATO, bilang bahagi ng layunin nitong palakasin ang resilience at protektahan ang kapakanan ng mga Pilipino saan man sa mundo.

Samantala, tiniyak naman ni Cavo Dragone ang kahandaan ng NATO na makipagtulungan sa Pilipinas.

Nagkasundo ang dalawang opisyal sa kahalagahan ng pagbabahagi ng impormasyon at best practices upang matugunan ang mga banta sa pandaigdigang kaayusan.

Nauna na ring nagkita sina Teodoro at Cavo Dragone noong 2025 Seoul Defense Dialogue kung saan tinalakay nila ang geopolitical competition at strategic stability. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here