Home METRO 2 ninakaw na racing pigeons, nasamsam ng CIDG sa Batangas

2 ninakaw na racing pigeons, nasamsam ng CIDG sa Batangas

192
0

BATANGAS, Philippines – Nadiskubre ng CIDG ang dalawang taong nagbebenta ng ninakaw na racing pigeons sa Taal, Batangas noong Marso 24.

Ayon kay Maj. Gen. Robert Morico II, kabilang sa narekober ang 43 racing pigeons na may Philippine Homing Association (PHA) leg bands, kabilang ang dalawang ninakaw mula sa isang kumpetisyon noong Marso 1 sa Gumaca, Quezon. Tinatayang nagkakahalaga ang lahat ng P2.15 milyon.

Ayon sa ulat, na-intercept ang dalawang ninakaw na pigeons habang pauwi mula sa kompetisyon, at sinilip ng mga “lambateros” sa Mindoro. Nahuli ang mga suspek matapos hindi maipakita ang mga dokumento ng pagmamay-ari.

Ang racing pigeons ay ginagamit sa kompetisyon na sinusukat ang bilis ng pagbabalik sa kanilang loft.

Ani Morico: “The successful operation underscores the relentlessness of CIDG against all forms of crimes and violations of law.” Pinayuhan din niya ang publiko na i-report ang anumang ilegal na gawain tulad ng pagnanakaw o bentahan ng ninakaw na ari-arian. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here