Home METRO MDRRMO employee utas sa pamamaril

MDRRMO employee utas sa pamamaril

126
0

QUEZON, Philippines – Patay ang isang empleyado ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) matapos pagbabarilin sa Barangay Lutucan 1, Sariaya, Quezon nitong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Pepe, 37 anyos.

Ayon sa imbestigasyon, papasok na sana sa trabaho ang biktima nang bigla siyang lapitan ng mga suspek na sakay ng motorsiklo at pinagbabaril.

Agad na tumakas ang mga salarin, habang isinugod naman sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Patuloy ang follow-up investigation at manhunt operation ng mga awtoridad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here