Home NATIONWIDE Ilang commuters stranded sa isinasagawang transport strike sa Metro Manila

Ilang commuters stranded sa isinasagawang transport strike sa Metro Manila

166
0

MANILA, Philippines – May ilang commuters ang na-stranded sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila nitong Huwebes ng umaga dahil sa dalawang araw na nationwide transport strike laban sa tumataas na presyo ng langis, ayon sa grupong MANIBELA at pulisya.

“May mga stranded kasi kahit alam natin na rally, mayroon pa rin talagang lumalabas kahit hindi naman gaanong ka-importante yung kanilang mga lakad,” sabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) spokesperson Police Major Hazel Asilo sa panayam.

“So, nagko-contribute sila doon sa bulto nung mga kababayan natin na pumapasok sa kanilang mga schools at sa kanilang mga trabaho,” dagdag niya.

Ayon sa MANIBELA, may mga na-stranded sa ilang lugar sa Quezon City, Pasig, Taguig, Parañaque, Las Piñas, at Malabon.

Samantala, hindi gaanong ramdam ang ikinasang transport strike sa Maynila dahil marami pa ring public utility vehicle na pumapasada ngayong umaga.

Sa kabila nito, nakahanda pa rin ang Manila LGU, Manila Police District at MDRRMO sakaling kakailangan bagamat kakaunti lamang ang sumasakay sa mga idineploy na libreng sakay.

Base sa datos ng lokal na pamahalaan, nasa 40 pasahero lamang ang kanilang naisakay sa alok na libreng sakay na alok.

Dahil marami namang pumapasada pa nilinaw ng otoridad na hindi sila basta-basta nagsasakay ng pasahero upang hindi maagawan ng pasahero ang mga tsuper o driver.

Samantala bukod sa jeep, at bus meron pang ibang alternatibong maaaring masakyan, tulad ng LRT2 na naka 50% discount pa.

Sinabi naman ng NCRPO na wala pang naitatalang hindi kanais-nais na insidente sa mga lugar ng rally.

Sumali sa kilos-protesta ang iba’t ibang sektor ng transportasyon tulad ng jeepney, transport network vehicle services (TNVS), motorcycle taxi, bus, at UV Express.

Sa Metro Manila, isa sa pangunahing lugar ng protesta ng No To Oil Price Hike Coalition ay sa Aurora Boulevard sa Cubao, Quezon City, kung saan nagsimula ang programa alas-6:00 ng umaga.

May iba pang strike centers sa buong National Capital Region at sa ibang rehiyon.

Kabilang sa mga panawagan ng grupo ang pagtanggal ng value-added tax (VAT) at excise tax sa produktong petrolyo, rollback ng presyo ng langis sa P55 kada litro, at pagbabasura ng Oil Deregulation Law.

Hiniling din nila ang dagdag-pasahe sa lahat ng uri ng transportasyon, P1,200 family living wage, at nasyunalisasyon ng industriya ng langis upang direktang makabili at makapagbenta ang gobyerno ng mas murang fuel.

Ayon sa grupo, dapat itigil ang mga digmaan upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng langis.

Dahil sa transport strike, naghanda ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ng libreng sakay para sa mga apektadong pasahero. RNT/MND/Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here