Home METRO DPWH: Mabibigat na sasakyan, delikado sa Kennon road

DPWH: Mabibigat na sasakyan, delikado sa Kennon road

144
0

BENGUET, Philippines – Pinapayagan lamang ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga sasakyang may bigat na hanggang limang tonelada sa Kennon Road dahil sa patuloy na panganib sa kaligtasan sa ruta.

Bawal pa rin ang mabibigat na sasakyan at pinapayuhan ang mga ito na dumaan sa Marcos Highway bilang alternatibong ruta, ayon sa ahensya.

Ayon sa DPWH, may mga delikadong bahagi sa Kennon Road kabilang ang one-lane rockshed entrance mula Baguio City at ang temporary Acrow Bridge sa Camp 2 na may 2.50-meter na vertical clearance.

Matagal nang may banta ng landslide, rockfall, at pagguho ng lupa sa bahagi ng Baguio City gateway, kaya ipinatutupad ang limitasyon sa bigat ng sasakyan at kontroladong pagdaan upang maprotektahan ang motorista at mapanatili ang kondisyon ng kalsada.

Hinihikayat ang mga motorista na sumunod sa mga traffic at safety rules, mag-ingat sa pagbiyahe, at gumamit ng alternatibong ruta habang patuloy ang monitoring at mga hakbang ng DPWH para sa mas ligtas na daan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here