Home METRO Pagkamatay ng 15-anyos stude sa Pasig, walang foul play

Pagkamatay ng 15-anyos stude sa Pasig, walang foul play

163
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ng pulisya ang posibilidad ng foul play sa pagkamatay ng 15-anyos na Grade 9 student na si Isabelle Sophia Tablate, na natagpuang patay sa isang bakanteng lote sa Pasig City matapos mawala ng limang araw.

Ayon kay Capt. Rodolfo Rabago, team leader ng crime scene operatives, “There was no sign that she was killed or subjected to violence,” batay sa isinagawang pagsusuri sa lugar.

Huling nakita si Tablate na lumabas ng isang mall sa Marikina City noong gabi ng Marso 18 at patungo umano sa madilim na bahagi ng lote malapit sa Light Rail Transit Line 2 depot, ayon sa Pasig police.

Noong Marso 19, nagpalabas ng alarma at bumuo ng special investigation task group ang pulisya para hanapin siya.

Matapos ang limang araw ng pagsusuri sa CCTV at pagkuha ng pahayag mula sa kanyang ama, dating boyfriend, at mga kaibigan, natagpuan ang kanyang katawan sa naturang lugar, na may nakapulupot na puting nylon cord sa kanyang leeg.

Narekober din ng mga imbestigador ang kanyang cellphone, personal na gamit, at hindi bababa sa tatlong sulat na naka-address sa mga kaibigan.

Tinitingnan din ng mga awtoridad ang posibilidad ng digital forensic examination sa kanyang cellphone upang makakuha pa ng karagdagang impormasyon.

Ayon sa kanyang ama na si JR, wala siyang napansing senyales ng depresyon o problema ang kanyang anak.

“There were no obvious problems at home… You wouldn’t think she had a problem at school because she was active in school, in sports, in extracurricular activities,” aniya.

“She didn’t leave any message for us, her family. We had no indication that this would happen. Maybe that’s why it hurts even more,” dagdag niya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here