Home NATIONWIDE “One DTI” portal inilunsad sa mas madaling online services

“One DTI” portal inilunsad sa mas madaling online services

129
0

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang One DTI portal, isang website na pinagsasama ang lahat ng online services ng ahensya.

Sa pamamagitan ng bagong portal, maaaring ma-access ng mga negosyante at mamimili ang iba’t ibang serbisyo tulad ng business registration, paghahain ng reklamo, at pag-aapply ng accreditation nang hindi na kailangang lumipat-lipat sa iba’t ibang website.

Ayon kay DTI Secretary Cristina Roque, layunin ng One DTI portal na pag-isahin ang mga government services, itaguyod ang digital transactions at online payments, pababain ang gastos at abala para sa negosyo at consumers, at palakasin ang transparency at accountability.

Ipinaliwanag niya na dati ay magkakahiwalay ang mga sistema at website ng bawat serbisyo kaya paulit-ulit na nagsusumite ng parehong requirements ang mga negosyo. Ngayon, mawawala na ang problemang ito.

Ang One DTI portal ay nagsisilbing iisang gateway para sa permits, certifications, at iba pang proseso at bahagi ito ng kampanya ng gobyerno para sa mas madaling pagnenegosyo.

Kabilang sa mga e-services na nasa platform ang Trustmark certification, business name registration, online dispute resolution system, access sa trade requirements, at aplikasyon para sa accreditation at procurement services.

Ayon naman kay DTI E-Commerce Bureau Director Eryl Royce Nagtalon, lahat ng online services ng DTI ay pinagsama sa iisang website kaya hindi na malilito ang publiko, at matatagpuan sa one.dti.gov.ph.

Para magamit ito, kailangang mag-sign up sa portal at maglagay ng basic information nang libre, at inaasahan pang madaragdagan ang mga serbisyo sa hinaharap. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here