Home NATIONWIDE Baligod humarap sa NBI sa cyber libel complaint

Baligod humarap sa NBI sa cyber libel complaint

124
0

MANILA, Philippines – Humarap nitong Huwebes sa National Bureau of Investigation (NBI) si Atty. Levito Baligod, abogado ng 18 umano’y dating Marines, upang sumunod sa subpoena na inisyu sa kanya.

Ang subpoena ay kaugnay ng cyber complaints na inihain ni Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima at 2025 Ramon Magsaysay awardee Fr. Flaviano “Flavie” Villanueva laban sa kanya at sa 18 umano’y ex-Marines.

Ayon kay Baligod, maaga siyang nagtungo sa NBI Cybercrime Division upang tumalima sa subpoena na may kaugnayan sa reklamo ni de Lima.

“Came early at NBI Cybercrime Division to honor its subpoena re: de lima complaint,” ayon sa kanyang Facebook post.

Noong Marso 9, naghain ng cyberlibel complaints sina de Lima at Villanueva laban kay Baligod at sa 18 umano’y dating Marines dahil sa akusasyong tumanggap umano sila ng pera mula kay dating Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co.

Ang reklamo ay kaugnay ng press conference noong Pebrero at joint affidavit ng 18 umano’y ex-Marines, kung saan sinabi nilang nagsilbi silang “bagmen” ni Co sa paghahatid ng umano’y ₱805 bilyong kickbacks mula sa anomalya sa flood-control projects.

Noong Marso 12 at 17, nauna nang humarap sa NBI sina Baligod at ang mga umano’y ex-Marines matapos mag-isyu ng hiwalay na subpoena habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng ahensya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here