Home METRO Lalaking may malaswang video ng mga kaklase inaresto

Lalaking may malaswang video ng mga kaklase inaresto

163
0

MANILA, Philippines — Inaresto ng pulisya ang isang lalaki matapos madiskubreng may hawak itong malalaswang video at larawan na kinasasangkutan ng kanyang mga kaklase noong sila ay menor de edad pa.

Ayon kay PNP Women and Children Protection Center (WCPC) chief Brig. Gen. Maria Sheila Portento, nadiskubre ang mga materyal sa cellphone ng suspek sa pamamagitan ng isang undercover agent, na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto sa Pasig City noong Enero 29.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 11930 o ang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act.

Bilang pag-iingat, isinailalim sa pangangalaga ng social welfare office ang nakababatang kapatid na menor de edad ng suspek noong Pebrero 10.

Noong Marso 19, natukoy ng mga imbestigador ang dalawang indibidwal na kabilang sa mga nasa nasabing materyal at agad ding dinala sa social welfare office para sa kaukulang tulong.

“Isa-isang sinuri ang laman ng device upang matukoy ang mga sangkot,” ani Portento, sabay sabi na nagpapatuloy pa ang pagtukoy sa iba pang posibleng biktima.

Tinatayang lima pang indibidwal ang kasalukuyang bineberipika ng mga awtoridad.

Nabatid din na ang suspek ay positibo sa isang sexually transmitted disease (STD), dahilan upang mas paigtingin ang pagsubaybay sa mga nakasalamuha nito.

“Mahalagang matunton kung sinu-sino ang kanyang nakaengkwentro upang mabigyan sila ng babala at kinakailangang medikal na atensyon,” ani Portento.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang lahat ng biktima at masiguro ang kanilang kaligtasan at rehabilitasyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here